Sharon And Aiai Bond Together: Friendship Goes Beyond BFF!
Apr 27th, 2009 | By webmaster | Category: Articles, Best Friends Foreverby: Richelle Kandice Dee (ABS-CBN Broadcasting Corp)
WHEN THEY WERE FIRST OFFERED THE MOVIE:
Sharon: Ako di na ko nag-isip.
Ai-Ai: Ako syempre dati ko pa sinasabi na i’m so honoured nakasama ko ang nag-iisang Megastar sa pelikula. Kasi syempre noong araw, noong 80s pinapanood ko na sya at isa sya sa talagang nagagalingan akong actress natin. It’s an honor, nakilala ko sya ng personal, nakilala ko sya everyday. Nasabi ko grabe iba ang Megastar talaga. Yung ugali, yung pagkatao. Grabe ang bait kaya pala she’s so blessed.
Sharon: Ako nung tinanong ako kung ok sa kin kami ni Ai-Ai, pinuntahan ako noon ni Tita Malou (Santos), ni Inang Olive Lamasan sa dressing room ko sa Sharon, anong naisip ko? Wala akong inisip. Tumatalon ako. Tinanong ko si Direk Wenn ba magdidirect Tita? Oo si Wenn. Si Ai-Ai, yung movies niya, karamihan ng tagalog movies sa ipod ko kanya.
Ai-Ai: Nahihiya nga ako e.. Nahihiya talaga ako. Nanonood talaga sya.
Sharon: Kasi she makes me so happy sa movies niya. Sabi ok nga sa kanya, yung kaibahan ni Ai sa ibang sumikat na comedians, yung appeal niya sexy sya, nakakatawa sya mag-joke, or magperform lalo pag walang TV, camera, pero di siya bastusan. You’ll laugh along with her. Yun ang appeal niya sa akin. And I know to many people di ba?
Ai-Ai: (hugs Sharon): Thank you BFF. Yung professionalism nya grabe. Kahit anong pabasa mong script, kahit ano sabihin mo sinusunod niya. Ako pa nga yung, ‘Megs sabihin ko ba to?’, oo sabihin mo yan no. Ok. Nahihiya ako sa kanya e.

Sharon: Nahihiya sya e. Kunyari may eksena kami, ok lang sabihin ko yung word na kasi malapad ka or something, sabi ko naman! Bakit? Pag di naman niya sinabi yon hindi naman ako ninipis sa script haha. Tsaka sport lang asa movie yon e. Pag nag-aaway kayo lalo kung friends kayo, talagang prangkahan. Ok lang yon, kaya ko nga tinanggap to para magpatawa.
Ai-Ai: Tsaka grabe yung luha niya, talagang kung gano kadami yung una, tatlo, pangalawa, apat, ganon din,
Sharon: Talagang gripo e.
Ai-Ai: Nakakaloka di nauubusan ng luha.
Sharon: Iyakin talaga ako.
Ai-Ai: Sobra. Kinukwento sa kin ni Direk Wenn, alam mo si Sharon, yung iyak nung take one, take two ganon din, take three ganon din, take four ganon din. Ganon! Iisa patak ng luha tsaka kung saan yung linya kung saan pumatak yung sa take one, ganon din ang luhang pumatak sa take two at sa take three. Wow! Sabi ko, talaga direk? Wow! Yun na lang nasabi ko.. Wow! Di ako makapaniwala!
Sharon: Pero eto totoo to, natatawa ako kapag nag-facial expression sya na nakakatawa pero pag may dialog kami na drama naiiyak ako kapag nakatingin ako sa kanya. Tapos maalala ko gusto ko yung ganito..
Ai-Ai: Tapos tuwang tuwa sya pag gumaganito ako (laki eyes)
Sharon: Haha tawang tawa ako. Pag naaalala ko bigla na lang ako tatawa.
Sharon: O ikwento natin yung pano tayo magiging close.
Ai-Ai: Oo, sabi niya, o BFF pano tayo magiging close? Ikaw ayaw mo ng hangin tsaka lamig. Ako gusto ko malamig tsaka mahangin. Sabi ko.. Ganito na lang, hello BFF? Nandito ako sa Saudi gusto mo bang pumunta? Hindi na dito na lang ako.
Sharon: Basta dito na lang ako, i love you. Haha nakakatawa sya. Ang cute cute niya.

Ai-Ai: Nako si Mega ang bait bait sobra.
Sharon: Ikaw naman, ikaw naman rin! Di naman ako mabait sa hindi deserving ng bait mataray ako haha
Ai-Ai: Kasi syempre mega, nung nakasama kita dun ko nakita kung ano ka talaga.
Sharon: Oy talaga?
Ai-Ai: Mabait sya, mabait.
Sharon: Pero nung na-late ako nung isang araw, parang di raw maganda yung parang perwisyo, unang una ako.
Ai-Ai: Hahaha na-late sya.
Sharon: Kasi Laguna na ko ngayon.
Ai-Ai: Tapos sumabog yung generator.
Sharon: Oo tapos umulan!
Ai-Ai: Pero hindi, iba sya talaga.
Sharon: Si Ai masarap kabatuhan
Ai-Ai: Kaya sya tinatawag na Megastar iba sya talaga.
Sharon: Haha hindi naman ako nagbinyag non sa sarili ko. Ang kapal ko naman.
Ai-Ai: Ibig sabihin kaya sya tinatawag na Megastar.
Sharon: Hindi pero naman ikaw naman
Ai-Ai: I love you..
Sharon: Kaya nga ikaw si aiai.
Ai-Ai: Ito naman! Si Mega.. Nako naman si Mega nakakahiya naman. Tuloy nangangati ako di naman makati!
Sharon: Ikaw pa lang ang box office queen na nakasama ko..
(Ai-Ai medyo violent reaction)
Sharon: Hindi nga! Kasi pareho tayo ok lang yon. Haha (Ai-Ai hugs Sharon) first time! Wala pa kong nakakasamang ano..
Ai-Ai: Ayoko wag mo na sabihin nahihiya ako.
Sharon: E mabuti kung sinabi kong Miss Universe makapal tayo. Haha
Ai-Ai: Ayan gusto ko yan (high-five sila) hahaha. Ako ay isang Miss Universe.

On doing the movie:
Ai-Ai: Ay ako syempre first time kong nakasama yung Megastar, and sabi ko nga its an honor na nakasama ko sya. And syempre iba yung mga patawa namin dito. Itsura ko iba din.
Sharon: Ako din.. Haha
Ai-Ai: Syempre parati namang iba inooffer namin ni Direk pag kami magkasama. And sya rin sasabihin nya, ‘I see to it na iba naman yung ginagawa namin’
Sharon: Kaya it works di ba? Naka-8 movies na sila ni Direk.
Ai-Ai: Pang-8th na to. Ang dami!
Sharon: Ako first time ko, pero ngayong nakilala ko na si Direk, alam ko na rin kung bakit naka-8 movies na sya with Direk. Kasi napaka-gaang
Ai-Ai: Parang laro lang.
Sharon: Ang galing niya! Alam niya ginagawa niya.
Ai-Ai: Ang daldal!
Sharon: Tapos niloloko ko, direk, ilang shots na yun, dalawa na. Parang may nagaabang na taxi sa labas, pumapatak yung metro, nagmamadali.
Ai-Ai: Bilis!
Sharon: Pero alam mo yung nagmamadali na hindi pilit na pangit naman. Hindi! Alam nya ginagawa niya. Tsaka quick, witty. And ganyan.
Ai-Ai: Mabilis ang utak e.
Sharon: Yung amin, magandang maganda na yung script ni Tita Mel del Rosario, pero napapaganda pa natin, si Direk and si Ai-Ai talagang nakakatawa. Rehearsal na lang.
Ai-Ai: Tsaka ang patawa, hindi sya hardsell e.
Sharon: Situational siya.
Ai-Ai: Natural syang nakakatawa. Hindi yung o.. Patawa ka. Ito natural na parang nakakatawa naman to.
Sharon: Totoo, situational sya. Sabi ko nga yung nagbabasa ka ba ng script sa bahay, nag-iisa ka tumatawa ka. Ako ganon.
Ai-Ai: Tapos ako umiiyak, maluha luha pa ko sa script natin.

Ai-Ai: BFF ko si Mega, at BFF po sa May 13 na ito po ay Mother’s Day presentation at 16th year anniversary kickoff ng Star Cinema. Syempre po kasama ko ang Megastar Sharon Cuneta, at John Estrada, marami pang iba, directed by Wenn Deramas.
Sharon: Syempre ako sobrang excited na excited, hindi lang para sa amin, o sa sarili ko, pero para sa maiaalay namin para sa inyong ikatutuwa, sa inyong kaligayahan. Napakasaya po nitong pelikulang to at talagang napakasarap katrabaho po ni Ai-Ai, napakasarap katrabaho ni John, ni Direk Wenn. Talaga pong kailangan nyo panoorin ito, dahil kung ano po ligaya namin sa paggawa ng movie na to, aabot po sa inyo. Mafi-feel nyo.
Ai-Ai: Relate, feel.
Sharon: Don’t forget po, May 13, sabi nga po ni Ai-Ai BFF.
Ai-Ai/Sharon: Best Friends Forever!

